Sunday, April 12, 2009

Easter Sunday Event

Syempre di papahuli ang Ragnarok sa mga Event. At eto nga, may easter egg hunt. Actually, naging GM hunt na, ahaha. Kala ko pa naman itlog talaga ung hahanapin. Eh papasok ka lang pla sa pub. O.o Nahirapan ngang magtago si GM kasi andaming naghahanap. Hehe. 3 rounds sya. Ung unang round, sa prontera ginanap. Eh di aun hanap mode, ako naman si noob, di alam na pede pala sa building magtago si GM. hahaha. Buong map ng prontera city nalibot ko na. Pero di ako pumasok sa kahit anung building. >.< Eh andun pala sya sa Church. Syempre nga naman, tungkol kay Christ. Dragon helm ung napanalunan nung nakahanap sa kanya.

Then next round, naicip ko nalang ung mga pedeng related sa easter. Naicip ko itlog. Tapos itlog=peco peco=Kuhanan ng peco peco. >.< Eh di dun ako pumunta. May mga pareho akong nagicip, at aun inantay namin ang GO signal ni GM. Kaso, di nga makatago si GM kaya sabi nya unahan nalang makahanap sa kanya. Magbibigay sya ng place. Sa Geffen daw. Tapos, nag lag bigla. As in 5 seconds delay. Ung parang woe2. Natural lang un pag sobrang dami tao sa isang place sa RO. Pero aun, may winners parin, Vset ang prize.

Last round eh sa Yuno naman, well, kakarating ko lang dun meron na ulit winner haha. Kupad kasi ng laptop ko LOL.. VSet ulit ung prize..

Congrats sa mga nanalo and happy easter to all!~

Chika: May mga balita na nakalat na kashop daw ng GM ung winner/s.. >.<

Friday, April 10, 2009

Bots bots bots

Try nyo lumabas ng left kafra ng pronts, then look nyo sa map, sa babang portal, may katabing blue na bilog. Spring sya, may water syempre. At kadalasan may mga porings at plants. Eversince nung Loki days pa, naging tambayan ko na ung spring na un. Nung isang araw eh gagawa sana kami ng Holy waters ni dear para magamit namin pag nagpapalevel sya sa anubis.

Nang makita namin ito:




Ang tahimik ng lugar na eto, at wala rin masyado napunta dito kaya siguro and2 ung mga yan. Kung anu man ginagawa nila, alam nyo na un. 100% BOT yang mga yan. Inubos namin yan sa pamamagitan ng pagwarp sa kanila sa malayong lugar. Mga bandang hapon un. But nung pagbalik namin ng mga gabi, ayun andun ulit sila. Nagsummon naman kami gamit ang DB para madeds sila. Successful naman ang pagsummon namin. Pero aun, may mga dumating na players, at ang daming backup. (assume nalang kami na sila ung may ari nun, or kaibigan sila ng may ari nun. Kung di man, how in the world would they know na may summon kami dun, eh kami lang ung mga tao dun at ung mga bot na paulit ulit ang respawn. Sa west kafra kasi sila lahat nakasave.) Nung di na kinaya ung mga summon(swerte kami sa mga mumu haha), buong guild na ata ung rumesbak =)

Hay oh well. :D

Wednesday, April 8, 2009

Banned ka noh??

Naiinis talaga ako pag may epal na lalapit sa RO.. Amfness talaga, ang baba ng pasensya ko dun.. Buti na lang maasahan pa CS, kaso kailangan marami kayo magrereport.. And ang saya saya na ban tong kups na toh!! buti nga!! ahahahaha.. Trashtalkers are trash..



Wednesday, April 1, 2009

April fool!

April Fools day ngaun. Di to masyado sinecelebrate dito sa Pinas, pero there are some na sumusunod dito (Like me) hehe. May naloko ka na ba? or ikaw ang naloko? hahah. Yngats sa mga manloloko sa Ragna ha? at pati narin sa totoong buhay.