Haaayyyy. Tagal ko narin di nakapagpost. Busy eh haha. Di ko narin nakwento mga leeching business at palevel nung times, mga scroll etc. Naglie low din kasi kami after ng times eh.
Nagulat nalang ako ng may mabasa ako sa plurk regarding rollback(Post ni GM Anael). Anu naman kayang rollback yun. So nagbasa ako ng isang thread sa RB. Dun ko natuklasan na nagkaspeed pots bug pala nung after mag maintenance. Nabebenta ng mahal sa NPC mga speed pots, pag bot ginamit. Grabe ha. Anu naman kaya naisipan ng 'taong' ito at paanu nya natuklasan ang bug na to. Is it by accident? or talagang henyo lang ang taong eto. Well, it doesn't matter. Bad yun eh. Tsk tsk. And now, anu na nagyare, nasira eco ng valkyrie. Mga tao nga naman. Sila sila rin nasira sa valk. Di makuntento sa mga kayang gawin at nandaya pa. Talagang nakakabulag ang pera no. Ayan madami tuloy gusto magquit, lumipat ng server, etc. Naalala ko tuloi ung duplicate issue nung mga last booming days ng Loki. After nun eh umonti na ang tao ng Loki dahil sa nangyare. Ganito rin kaya mangyayare sa valk? Wag naman sana. No rollback sabi ni GM Anael.
Di kami aalis ng valk, pero iwas nalang muna sa mga major transaction etc. Magdodota/diablo/manunuod nalang muna kami ng anime. Ayoko magvalhalla. Mahirap magstart from scratch. Naranasan namin yun dito sa valkyrie. At ngayon intact parin mga gamit, oki lang magstay. Sayang naman dugo't pawis na nailaan sa valkyrie. Parang mundo lang yan na nadanas ng global economy crisis. Babangon din yan. Sana nga lang.
Saturday, October 10, 2009
Valkyrie Economy Crisis
Posted by izane at 10:43 AM 0 comments
Wednesday, September 9, 2009
New Ragnarok site and Ragnaboards theme
Saludo ako sa bagong appearance ng mga nabanggit na sites sa taas. Hehe.
Pinakagusto ko yung poring na nagalaw sa ragnarok site, tapos hahabulin nya yung mouse mo hihihih.
Nice din yung color sa RB. :D
Posted by izane at 11:41 AM 0 comments
Sunday, August 23, 2009
RPC 2009 at SM Skydome and PLKT EB!
wew, ngayon lang ulit ako nag-blog. Uber busy narin kasi ako ahaha. Anyways, share ko ung experience namin nung RPC sa skydome.
August 21, ala pasok. Sakto ung RPC. And EB narin ng PLKT. Sa SM north gaganapin ung RPC. San kapa, from south to north ang byahe namin nun. Syempre dapat maaga alis samin dahil IMBA ang trapik sa SLEX. Dumating kami ni dear dun around 12pm. Syempre tirik na tirik ung araw, at ang haba ng pila! Wew. Para na kong basang sisiw nun. x.X Nakita ko si Joan a.k.a chloe, kaso di muna ako lumapit kasi baka ako ay nagkakamali. Syempre may mga taong sadyang magkakamukha. Heheheh. Nakita namin si VJ a.k.a Eva Fonda of KoJ. Pero inde sya nakapila. May inaantay pa ata. Nakita rin namin si IMBA POON Aldrin a.k.a Keisuke na lumapit kila VJ, kaso inde narin namin sya nakausap kasi gumalaw na ung pila.
Grabe ang liit ng venue ng RPC ngaun. Mga around 2pm, hindi na sila nagpapasok. Mantakin mo un. May mga tao pa na galing pa sa dulo ng Pilipinas para makapanuod, tapos inde rin nakapasok. Gutom narin ako that time, kaso di kami pede lumabas, dahil di na kami makakapasok. OMG. Na underestimate siguro ng LU ung mga pupunta na tao kaya ganun. Or maybe tipid mode tulad ng lahat ng tao ngaun dahil sa crisis. At late narin nagstart grabe! 4 na ata un. Banas na banas ako eh. hehehe.Dalawang match lang ata ung napanuod namin. x.x Lumabas narin kami dahil sa gutom na ako at tinamad na ako manuod. Di rin nakapasok pala ung mga fellow PLK ko. :(
So aun nakipagmeet nalang kami sa PLK at nagpicture picture. :D nice meeting with everyone!
Posted by izane at 11:45 AM 0 comments